Search


Calendar
This Month
General

Highlights

Xaverian's Corner


Reflections


Athletics


Communities

Alumni
AAXS


Academics
The Xavier Education
Early Education
Grade School
High School
Admissions

About Xavier
Vis Mis Goals
Brief History
St. Francis Xavier
Kuang Chi
Coat of Arms
School Mascot
School Song
Prayer of SFX
Pledge
Video






 

ANG PASKO SA AMING PUSO
Mina M. Bona


     Ika-7 ng Disyembre, araw ng Linggo, isang araw na nagbigay kabuluhan sa labing-siyam na kasapi ng Unit 1 nang pagpasiyahan na gugulan ng kaunting panahon at handugan ng isang maagang "Christmas party" ang ilang anak ng mga bilanggo sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

     Labing-siyam lang ang nakarating at kabilang na doon ang aming Assistant Principal na si Teacher Cleo Perez ngunit ganoon pa man nakatutuwa kung paano nagtulungan ang bawat isa sa buong Unit lalung-lalo na sa mga hindi nakasama sa pagbigay na lamang nila ng tulong pinansiyal sa abot ng kanilang makakaya. Malayo ang narating ng perang aming napagsama-sama.

     Si Teacher Isa Saplala, na isang Philippine Jesuit Prison Service volunteer, ang siyang nakipag-ugnayan kay Fr. RB Hizon, SJ upang ipagbigay-alam ang aming balakin at isaayos ang lahat. Sina Teacher Janice Jacobe at Teacher Ria Orqueza, ang mga namili ng mga papremyo at mga munting regalong "school supplies." Tumulong din sina laoshi Benita Chua at laoshi Celia Sy para sa paghanda ng mga regalo.

     Nagpulong-pulong kaming lahat para sa paghahanda ng palaro at palabas at bawa't isa sa amin ay may ginampanan sa araw na 'yon.

     Linggo ng Umaga, sakay kaming lahat ng coaster kasama si Mang Albert. Halos lahat ay nakapula at may suot pang "Santa's hat." Bitbit namin ang aming inihandang regalo, papremyo, gamit sa palaro, inumin at handang pagkain na isinaayos pa ni Bb. Cita Carluen. Siyempre naman hindi namin nakalimutan ang cassette para lubusin ang saya. At higit sa lahat, dala namin ang pagnanasang magbigay-kasiyahan sa kahit isang araw lamang namin na pagbisita.

     Nagsimula ang lahat nang gumiling si Teacher Marlene Cruz at ang kanyang "Fruit Salad gang" sa harap ng mga iskolars at ilang nanay na sumama. Sunod-sunod ang mga palaro. At habang ang lahat nang ito ay nangyayari, makikita sa isang sulok sina Teacher Len Gantioqui, Mark Santos, Ryce Cortez, Pat Villaluz at Joey Villanueva na nag-alay ng kanilang kakayahan sa face painting para sa lahat. Ibinahagi rin ni Bb. Thet De Leon ang kanyang pambihirang kakayahan sa pag-awit. Hinaranahan din kami ng mga iskolars ng isang awitin.

     Nagsalo-salo kami sa isang simpleng pananghalian na aming dala-dala. Bago kami pumasok sa kapilya para sa misa ng ika - isa ng hapon, ipinamahagi namin ang aming regalong school supplies para sa mga High School at College iskolars. Sari-saring laruan naman ang natanggap ng mga Elementary School scholars.

     Nakinig kami sa misa na pinamunuan nina Fr. RB at Fr. Willy kung saan isinadula ng ilang mga iskolars ang "Panunuluyan" ng buong husay. Nagkuhanan ng litrato at nagpasabog kami ng candy. Kitang-kita at damang-dama ang saya.

     Nang natapos ang lahat, naramdaman ko na may luhang tumulo sa aking mga mata, kakaiba ang aking naramdaman. Isang damdaming hindi maipaliwanag ang lubos na kasiyahan. Isang karanasang nagbigay saysay at kabuluhan kung bakit kami napadpad doon. Maaaring naghandog kami ng regalong kayang tumbasan ng salapi, pagkaing kayang tapatan ng higit pa sa aming nakayanan ngunit ang diwa at kahulugan ng buong pangyayari kahit sandali lamang ay walang kapalit.

     Umuwi kami na may ngiti sa aming mga labi at dala-dala ang isang alaalang nagpadama sa aming lahat ng tunay na diwa ng Pasko. Sa susunod na pagkakataon, siguradong kasama ulit kami. Tiyak 'yan, tiyak 'yan!




Si Bb. Mina M. Bona ay ang kasalukuyang Nursery Coordinator. Ang ibang miyembro ng Unit I na nakibahagi sa gawaing ito na hindi nabanggit ay sila Tess Elicanal, Jaymee Ng, Mel Nierva, Gail Almorade, at Jane Diaz.

back to top

 

 
Note: This is an archived page.






 



 
  Untitled Document
 
 
 
  Last modified on: January 11 2008 08:26:04 AM

Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.
 

XAVIER SCHOOL / 64 XAVIER STREET, GREENHILLS, SAN JUAN,, MM, PHILIPPINES 1502 / +63.2.723.0481 / Contact / About This Site


© 2004 Xavier School, Inc. All Rights Reserved. Terms under which this service is provided to you. Read our disclaimer. Contact us.   All external sites will open in a new browser. Xavier School does not endorse external sites.     Site Archive