San Ignacio ng Loyola
Santo naming dinadakila
Aral mo ay dala-dala
Saan man dako magpunta
Tatag at
kalinisan ng puso at diwa
Pagmamahal at pagtulong laging laan sa kapwa
Sa iyo San Ignacio ang mga ito ay nagmula
Dito sa aming puso ikaw ay nakadambana

Si Simon,
si Santiago at si Alfonso
Si Pedro, si Nicolas at si San Francisco
Ikaw San Ignacio ang unang namuno
Ng samahang binuo mo, ang sentro ay si Kristo
Sa mga lugar
ng misyon na pinili mo
Maraming pagano ang naging Kristyano
Nais namin na maging katulad mo
Totoong, Totoo! Mahal naming San Ignacio
Si
Gng. Edna G. Lacap ay nagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikatlong Baitang.
Talagang hilig niya ang magsulat ng tula.
|