|
Xavier School, sa 'yo'y papuri
Katapata't pagbubunyi
Bawat araw, bawat saglit
Ang aral mo'y di iwawaglit
Tatag, kalinisan ng puso at diwa
Pagmamahal, pagtulong sa kapwa
May ngiti, ngalan mo ay sambit
Taas noong umaawit
Luceat, Luceat
Lux
Alab mo sa 'mi'y pagningasin
Luceat, Luceat Lux
Tanglaw mo sa puso'y magningning
May tapang at lakas sa landas ng buhay
Sa kapuspalad kamay ay ialay
Liwanag ay ilantad magpakailanman
Luceat, Luceat Lux.
Upang mapakinggan
ang de-kalidad na bersyon ng awit at iba pang mga awiting Xavier, pumunta
na lamang dito upang
malaman ang karagdagang impormasyon ukol sa Luceat Lux Commemorative CD.
Sa mga nais bumili ng kanilang sariling kopya, makipag-ugnayan na lamang
sa Alumni Relations Office.
|